8.23.2008

ANG TANGHALIAN NG MGA ESTUDYANTE NG FINE ARTS

Pagkatapos ng isang mahabang klase at mabigat na trabaho
mula sa propesor na masungit at masyadong seryoso,
matinding gutom ang aabutin ng mga tulad namin,
mga starving artists nga kung tawagin.
Mamimili ng ulam mula sa mga paninda
ni Mang Nestor na nasa gilid sa may kalsada,
Chopsuy, kangkong, ampalaya at kalabasa,
ang kadalasang makikita sa sulok ng lamesa.
Pero ang mga artists ay hindi kasi kumakain ng gulay
kahit pa sinasabing ito’y kailangan sa buhay.
Hindi raw kasi napagkukunan ang gulay
ng suplay ng ideya para sa isip na makulay.
Bukod dito ay meron din namang tindang iba,
tulad ng fried chiken, kwek-kwek, pisbol, at marami pa.
Pero ang numero unong pinag-aagawan at binabalik-balikan
kay Mang Nestor na tindahan at tambayan
ay ang siomai na pagkasarap-sarap
na punong-puno ng maraming sangkap!
Sa halagang limang piso kada-isang piraso
kasama ang kanin na syete pesos ang presyo,
kanya-kanyang design ng siomai, kalamansi, at toyo
at pagandahan pa ng presentasyon ng mga ito.
Sa wakas kakain na ng magkakasama ang bawat grupo
ng mga artists na pati sa pagkain ay art ang kwento.
Sabayan mo pa ito ng sampung pisong tetra pak,
mango juice na swak na swak na panulak!
Mga straving artists kung tawagin,
Pwede na ulit bumalik sa mabibigat na gawain.

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home