Ang Korapsyon
TANONG: Ano nga ba ang korapsyon?
- Ito ay isang sistema ng pagnanakaw o pagbubulsa ng pera. Ito rin ang nagdudulot ng kahirapan sa mga mamamayan, mga ‘di natapos na kalsada, kawalan ng hustisya, at higit sa lahat – ang pangunahing negosyo sa loob ng ating gobyerno. Kung minsan nga, nakikipag-kompitensya at nakikipag-unahan pa sila sa isa’t isa.
TANONG: Paano mo nasabi?
- Halimbawa na lang ang pulis pantrapiko na nakakuha ng kotong sa isang driver. Eh di masaya siya, biglang dumating yung isa pang pulis. ‘Di man niya nakita na nakakuha ng kotong ‘yung kasama niya, nanghinayang ‘din siya na kung sana siya ang nauna, eh di siya ang kumita!
TANONG: Lahat ba ay nakakaintindi ng salitang ito?
- Mga kababayan natin, oo. Sa katunayan, galit sila sa gobyerno. Pero ang hindi nila alam, hindi lang sa pamahalaan makikita ang asal na ito dahil kahit sa sariling tahanan ay meron nito.
TANONG: Ang ibig mong sabihin, kahit ang mga bata ay naiintindihan ito?
- Ang salita, hindi. Pero ang gawi, oo. Isipin na lang natin ang isang eksena ng simpleng paghingi ng estudyante sa kanyang magulang ng pera pambayad sa kung anumang bayarin sa eskwelahan. Hihingi siya ng singkwenta pesos, pero ang babayaran niya ay bente pesos lang. Maya-maya, makikita mo na lang na pinanglaro na ng Dota ang sobrang pera. Hindi ba’t kinorap na niya ang kanyang magulang? Niloko na, ninakawan pa.
Maraming batang ganito sa realidad – ako, ikaw, sila; hindi mapagkakailang dumaan ang lahat sa ganito. Pero ang masaklap doon ay kung nakasanayan na ng bata ang gawing ito at nasilaw sa kinang ng perang nakukuha. Hanggang sa pagtanda ay nadadala ito, hanggang umabot sa puntong hindi na niya namamalayan ay pinagtataksilan na pala niya ang sariling bayan.
TANONG: May ginagawa namang hakbang ang mga aktibista, diba?
- Ang sigaw ng mga aktibista:
PATALSIKIN SI GLORIA! Eh, sinong papalit?
TIGILAN ANG KORAPSYON! Eh, kahit ang mga anticorruption agency na ‘yan, korap din.
TAASAN ANG SAHOD! Eh, kinokorap nga yung pansahod! Pa’no itataas???
PALITAN ANG SISTEMA! Sinong magpapalit? ‘Yung mga korap ding opisyales?
TANONG: Eh, kelan magbabago? Sino magpapabago?
- Ang nakasanayang gawin ay talagang mahirap baguhin. Tanging ang mga kabataan lang na sinasabi nating pag-asa ng bayan ang makapagtatama kung anuman ang dapat tamain. Sa pagdaan ng panahon, mamamatay na ang mga matatandang korap tapos sila ang papalit para tamain ang sistema.
ISA PANG TANONG: Eh, paano mo isasara ang mga mata ng kabataan sa realidad?
- Mahirap sagutin, pero naniniwala pa rin ako sa pagbabago. Isa rin ako sa batang korap kanina, pero nang gawin ko ‘tong plate na ‘to eh natauhan na ako. Ayoko maging katulad nila. Sa sarili nagsisimula ang pagbabago, sa sarili din nakikita kung naniniwala sa sa pagbabago.
“Wag natin hayaan na lumala pa ang talamak na pagnanakaw sa ating kinabukasan! Kilos kabataan! Kilos bayan!”
Sources:
(AGC) Anti-Graft Commission
(ABC) Anti-Bribery Covenants
(KMU) Kilusang Mayo Uno
“Antidote for Philippine Corruption”, Philippine Anti-Graft Institutions Exist, But Integrity Is Lacking, © Gary W. Elliott, Mar 3, 2008, http://www.suite101.com/
“Corruption Strangling the Philippines: Arroyo”, Julie Javellana-Santos, Arab News
“Laban ng gobyerno kontra korapsyon, pakulo lang”, Genuine, Militant and Anti-Imperialist Labor Center, Submitted by KMU on Wed, 2006-09-27 17:07
“BAYAN KO…ANO NA NANGYAYARI SA IYO?”, Reklamador Blog, Posted by necroportal March 8, 2008
“Ano ang kahulugan ng korapsyon?”, http://www.wikianswers.com/
Interview with Kuya Romeo from AnakBayan, my Mom, my Dad, and myself.